Remote na Pag-sign up sa µTorrent
Ang µTorrent Remote ay isang feature na nagbibigay-daan sa iyong pamahalaan ang µTorrent Classic para sa Windows o Mac sa iyong home computer. Kapag tapos na ang pag-set up, mabilis ka nang makakapagdagdag, makakapag-alis, makakapagsimula at makakapagpahinto ng mga pag-download sa iyong home computer kahit nasaan ka man, at mula sa anumang device.
Para mapanatiling pribado ang iyong impormasyon, hindi ka namin pinapayagang mag-sign up sa aming website. Sa halip, dapat kang mag-sign up para sa isang account mula sa µTorrent Android o mula sa isang Web Browser. Nakabalangkas sa ibaba ang dalawang pamamaraan.
Pag-set up mula sa µTorrent Android
Hakbang #1
I-install ang µTorrent Android, pagkatapos ay buksan ang app sa iyong Android device. Susunod, buksan ang µTorrent Classic sa iyong Windows home computer (hindi compatible ang pamamaraang ito sa Mac), pagkatapos ay tiyaking nakakonekta sa iisang wifi network ang iyong Android device at Windows device. I-tap ang icon na computer sa kanang sulok sa itaas ng µTorrent para sa Android. May magpa-pop up na window na mayroong 4 na digit na PIN code.
Hakbang #2
Buksan ang µTorrent Classic para sa Windows sa iyong home computer at hanapin ang popup na window na may label na ‘Connect to your device’, pagkatapos ay ilagay ang 4 na digit na PIN code na ibinigay sa iyo sa Android device mo. Naipares ka na at handa ka nang magdagdag, mag-pause, magpatuloy, at mag-delete ng torrents sa kahit saan! Pakitandaan na para gumana ang remote na koneksyon, dapat mong iwanang naka-on ang iyong home computer at tumatakbo ang µTorrent desktop app.
Tandaan: Pumunta sa mga link na ito kung kailangan mong i-install ang µTorrent Classic para sa Windows o µTorrent Android.
Pag-set up mula sa isang Web Browser
Hakbang #1
Buksan ang µTorrent Classic (Windows o Mac) at pumunta sa Options > Preferences > Remote.
Hakbang #2
Piliin ang 'Enable µTorrent Remote Access', pagkatapos ay pumili ng pangalan ng computer (puwede ang kahit anong pangalan) at password. I-click ang button na 'Apply' o ‘Sign in’. Kapag nakita mo ang status na 'Accessible', puwede mo na ngayong i-access ang µTorrent Classic mula sa isang browser sa https://remote.utorrent.com sa pamamagitan ng paggamit sa parehong pangalan ng computer at password. Tandaan na para remote kang makakonekta sa µTorrent Classic sa iyong home computer, dapat ay manatiling naka-on ang home computer mo at tumatakbo ang µTorrent Classic.